Mga Isyung Pampolitika Sa Pilipinas
Mga isyung pampolitika sa pilipinas
Ang mga isyung pampolitika sa Pilipinas. Ayon sa bibliya ang politika ay malinis at banal. Ito ay walang bahid ng karumihan. Ngunit hindi kaila ang mga pagbabagong naganap matapos ang maraming panahon. Ang dating malinis ay ngayo'y sadlak sa dumi. Kagaya ng kapaligiran na dati'y kaiga-igaya.
Para sa karagdagang kaalaman maaring magtungo rito brainly.ph/question/1878567
Ang mga sumusunod ay ilan sa isyung pampolitika sa Pilipinas:
Korapsyon
- Ilan sa mga nagnanais ng pwesto sa lipunan ay may mithiing magnakaw sa kaban ng bayan. Ang mga pinaghirapan ng mga maliliit na negosyante at empleyado ay napupunta sa wala. Hindi dapat naghihirap ang bansang Pilipinas kung ang yaman nito ay ginagamit sa tama. Maituturing na masahol pa sa dayuhang nanakop sa bansa ang gumagawa ng korapsyon. Sapagkat, kapwa Pilipino at bayan ang pinagtataksilan.
Pandaraya
- Marami sa mga politiko ang bumibili ng boto. Binibili ang karapatan ng mga mahihirap. Ginigipit at pinaiikot sa makasalanang salapi hanggang ang kumakalam na sikmura ay mahulog sa bitag. Ang ganitong uri ng tao ay walang karapatan mamuno. Kaya sapat na edukasyon para sa lahat, upang walang matapakang mahihirap.
Hindi Maayos na Patakaran para sa Politika
- Marami ang hindi sumusunod sa mga iminungkahing batas pampolitika. Ang mga tagapagpasunod ay nasisilaw sa salapi at pangako ng mga buwayang tanging hangad ay lumpuhin ang bansang naghihingal.
Para sa karagdagang kaalaman maaring magtungo rito brainly.ph/question/1715035
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga isyung pampolitika/pulitika na kinahaharap ng bansa.
Para sa karagdagang kaalaman maaring magtungo rito brainly.ph/question/301026
Comments
Post a Comment