May Dumating Na Bisita Sa Inyong Bahay Ngunit Wala Pa Ang Iyong Mga Magulang

May dumating na bisita sa inyong bahay ngunit wala pa ang iyong mga magulang

Ang isang bata o tinedyer na nasa bahay habang wala ang kaniyang mga magulang ay kailangang maging senstibo upang mapangalagaan niya ang kaniyang seguridad at ng kanilang bahay. Paano kung may dumating na bisita sa inyong bahay ngunit wala pa ang iyong mga magulang, ano ang dapat na gagawin ng isang anak?

1. Maging palaisip sa kaligtasan. Kilala mo ba ang bisita bilang isang mapagkakatiwalaan ng inyong pamilya? Kung oo, papasukin ang bisita at ibigay ang nararapat na pagpapatuloy gaya ng  pag-aalok ng maiinom, tsinelas sa loob n bahay at ng mauupuan. Kontakin ang magulang upang ipaalam ang pagdating ng bisita. Baka kailangang maghintay ng bisita, i-entertain siya kung posible o baka  may maitutulong ka na mismo sa sadya ng bisita. Kung talagang ang magulang ang kailangan, sumunod sa tagubilin ng magulang mo. Kung hindi mo siya makontak, hayaang ang bisita ang magpasya kung maghihintay. Kung nasa kalagayan kang ma-entertain siya posibl eiyon. Pero kung abala ka o aalis ka at wala ng matitira sa bahay, magalang na sabihin na bumalik na lamang sa mapagkakasunduan ng magulang. Puwedeng magbilin ng numero para makontak o ng impormasyon para sa iyong magulang.

Paano kung hindi mo siya kilala? Tanungin kung sino siya, at sabihing wala ang iyong magulang. Nagpapakita ito ng signal sa bisita na hindi siya maaaring tumuloy sa loob ng bahay dahil wala ang kaniyang sadya. May iniwan ba siyang habilin? Tandaan ito para sa pagdating ng iyong magulang ay tumpak mong masabi ang habilin.


Comments

Popular posts from this blog

Beliefs Of Sda Church According To Mrs. Ellen White

U"Whats For Lunch? Written By Sal Amis Look Around Your Cafeteria At Lunch, And There Is Bound To Be Quite A Few Students Eating Sandwiches. Sandwiche

Mark Is Treating His Family To Ice Cream. He Buts 4 Sundaes And 3 Cones For A Total Of $26. Brian Also Buys Ice Cream For His Family. His Total Is $29