Ano Ang Ibig Sabihin Nito "Pagsunod At Paggalang Sa Magulang At Nasa Kapangyarihan"?

Ano ang ibig sabihin nito "pagsunod at paggalang sa magulang at nasa kapangyarihan"?

Hamon sa ngayon ang maging masunurin at paggalang. Laging ito ang nakadaragdag sa mga suliranin ng tao. Ang pagsunod at paggalang sa magulang at nasa kapangyarihan ay makikita sa mga susunod na mga kalagayan:

Ang pagsunod ay sinasabing pagsang-ayon dito at pagkilos upang maabot ang inaasahan sa iyo. Hindi ito ginagawa ng may pagbubulung-bulungan kundi nang may pananabik sa mabuting resulta. Hindi rin sumusunod dahil lamang sa pansariling pakinabang. Nasusunod mo ang mga magulang mo kung makikinig ka sa kanila at naaabot ang mga house rules. Ang mga nasa kapangyarihan din ay may mga batas na pinatutupad, susundin mo iyon sa abot ng iyong makakaya.

Ang paggalang ay ang pagkilala ng awtoridad ng iba. Ipinapakita sa salita ng mahinahon na kinikilala ang nararapat na pagtingin sa kaharap o kasangkot na tao. Hindi ka gagawa ng ikapapahamak sa pisikal o emosyonal na isa na iyong kausap dahil alam mong may awtoridad siya. Kasama dito ang kaniyang karapatan sa isang isyu. Ang iyong mga magulang ang pangunahing awtoridad sa loob ng pamilya. Ang mga nasa kapangyarihan ay may posisyong hinihilingan ng iyong paggalang kapag lumalapit siya sa iyo o ikaw sa kaniya. Makikita din ito sa paraan ng iyong pagkukuwento sa iba tungkol sa kaniya. Hindi mo sila sisiraan o babastusin sa iba.


Comments

Popular posts from this blog

Beliefs Of Sda Church According To Mrs. Ellen White

U"Whats For Lunch? Written By Sal Amis Look Around Your Cafeteria At Lunch, And There Is Bound To Be Quite A Few Students Eating Sandwiches. Sandwiche

Mark Is Treating His Family To Ice Cream. He Buts 4 Sundaes And 3 Cones For A Total Of $26. Brian Also Buys Ice Cream For His Family. His Total Is $29